Tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Iriga City ang tseke na nagkakahalaga ng P1M na gagamitin sa pagbili ng Kadiwa truck. Ang tseke ay ibinigay ni Regional Executive Director Rodel P. Tornilla kay Eleanor C. Bon, Revenue Collector Officer IV ng opisina ng City Treasurer of Iriga City.
Ang Kadiwa ay programa ng DA na ipinatutupad ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) na naglalayong direktang mailapit sa consumers ang mga produkto at matulungan din ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang ani. May tatlong variants ng Kadiwa sa buong bansa – Kadiwa on Wheels, Kadiwa Retail, at Kadiwa Online. Sa kabuuan, ang Kadiwa ay nagsisilbing logistics and transport system para sa mas mabilis na movement ng mga produktong pang agrikultura.
As of December 2021, meron ng 45 na asosasyon ng mga magsasaka o LGU na mga benepisyaryo ng Kadiwa sa Bicol Region. (RAFIS – 5)