Si Liezel E. Grajo ng Casiguran, Sorsogon ang tinangghal na regional winner ng Bicol sa katatapos na Patimpalak ng Katangi-tanging Kababaihan sa Kanayunan sa taong 2022.
Tinanggap ni Grajo ang 50,000 pesos cash award at plake sa ginanap na regional awarding ceremony sa Naga City noong ika anim ng Oktubre, 2022. Pumangalawa naman si Ginang Sonia S. Padilla ng San Miguel, Catanduanes na tumanggap ng 30 thousand pesos na premyo at pangatlo si Mailyn M. Perez ng Dimasalang, Masbate na nabigyan naman ng 20,000 pesos na papremyo.
Nabigyan naman ng Special awards at P5,000 cash prize sina:
Susan C. Tadlas ng Tabaco City, Albay;
Maria M. Paloma ng San Fernando, Camarines Sur;
Rubelyn A. Balon mula sa San Vicente, Camarines Norte
Si Director Annray Villota-Rivera Program Director ng Gender Equality and Social Inclusion (GESI) ng DA Central Office ang panauhing pandangal sa nasabing okasyon.
Ang patimpalak sa Katangi-tanging Kababaihan sa Kanayunan ay isinasagawa sa buong bansa simula pa noong 2003 upang bigyang parangal ang mga kababaihan sa kanilang malaking kontribusyon sa food security, reduction of hunger and poverty na nakapaloob sa RA 9710 o Magna Carta of Women.
Si Liezel Grajo ay isang agri-entrepreneur at Integrated Diversified Farming System practitioner. Adbokasiya niya ang sustenableng hanapbuhay para sa mga kababaihan ng Barangay Tigbao sa Casiguran at mga kalapit na munisipyo sa Sorsogon. Sa gulang na 39 years old, si Liezel ang nagsisilbing operations and marketing manager ng Grajo Farm sa Casiguran, Sorsogon kung saan siya ay kilala bilang mahusay na bee keeper. Ang Grajo integrated farm ay producer ng honey, alak mula sa passion fruit at banana chips. Ang Grajo farm ay accredited ng Agricultural Training Institute (ATI) bilang Learning Site for Agriculture (LSA) at ng Department of Trade and Industry (DTI). Mayroon din itong License to Operate mula sa Food and Drug Administration.
Si Liezel Grajo ang kandidata ng Bicol Region sa pambansang patimpalak para sa mga Katangi-tanging Kababaihan sa Kanayunan na magtatapos sa December 2022.
Dumalo din sa Outstanding Rural Women regional awarding ceremony ang mga miyembro ng hurado ng patimpalak, mga miyembro ng Gender and Development Focal System ng DA Bicol, Rural Improvement Club Provincial Coordinators, Agripinay Program beneficiaries, at mga nanalo sa Outstanding Rural Woman at Gawad Saka ng mga nagdaang taon.