Umabot na sa 849 na magsasaka ng mais sa 14 na munisipyo ng Masbate ang nakatanggap na ng P3,000 Fuel Discount o subsidiya mula sa Department of Agriculture. Natapos ang distribution sa Masbate nitong buwan ng Agosto.
Ang mga magsasakang nakatanggap ay mula sa mga bayan ng San Pascual, San Fernando, Batuan, Monreal, Aroroy, Balud, Milagros, Masbate City, Mobo, Cawayan, Dimasalang, Palanas, Esperanza and Cataingan.Ang P3,000 ay nakapaloob sa Fuel Discount cards na ipinamimigay sa tulong ng USSC. Ang subsidiyang ito ay maaring gamitin pambili ng gasolina o diesel sa mga gasolinahan na accredited ng DA.
Sa buong Bicol, 2,685 na magsasaka ng mais ang nabigyan na ng Fuel Subsidy sa total target na 3,880.Ang mga kwalipikadong magmamais na maaring makatanggap ng fuel subsidy ay ang mga nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.
Ang benepisyaryo ay dapat din may makinarya na ginagamit sa pagsasaka na maaring nabili niya o bigay ng DA. O kaya ang kinabibilangan niyang asosasyon ay nabigyan ng DA ng makinarya. Natanggap na din ng mga mangingisda ng Masbate ang Fuel Subsidy na ipinamamahagi naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. (Lovella Guarin | Photos courtesy of Wilfredo Nelmida, APCO of Masbate)